3 KUMASA SA PULIS, PATAY

shoot

(Ni FRANCIS ATALIA)

TATLO katao na kumasa sa mga otoridad sa magkakahiwalay na insidente sa Pampanga ang napatay.

Patay sa ikinasang buy-bust ang suspek na si Jeffrey Sioco sa Barangay San Juan Timac sa bayan ng San Simon.

Ayon kay Chief Insp. Louie Gonzaga, hepe ng San Simon police station, unang nagpaputok ng baril si Sioco nang matunugang operatiba ang katransaksyon kaya gumanti ng putok ang mga otoridad. Pitong sachet na hinihinalang shabu ang nakuha sa napatay na suspek.

Nauwi rin sa barilan ang ginawang pagsita ng mga otoridad sa isang suspek matapos nitong takasan ang checkpoint na nakalatag sa Barangay Dela Paz Norte, San Fernando.

Ayon kay Supt. Levi Hope Basilio, hepe ng San Fernando police, hinabol ng mga tauhan niya ang suspek na si Alyas Junjun na nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad nang hindi huminto sa checkpoint.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, isang granada, at limang sachet ng shabu.

Sa Brgy. San Isidro naman sa bayan ng Magalang, suspek sa panananakaw ng motorsiklo ang napatay ng mga operatiba na hindi rin huminto sa checkpoint.

Positibo namang itinuro ng isa sa mga biktima ang suspek na tumangay ng kanyang motorsiklo.

Related posts

Leave a Comment