3 ARESTADO SA HIGIT P500-K MARIJUANA

mj12

(NI ROSS CORTEZ)

HUMIGIT kumulang sa 47 kilo na pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba sa buy bust operation ng Dasmariñas Component Police Station sa Barangay Salitran 3, alas-8:00, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Felix Flores , alyas  Alex, 34, Rodel Herrera, 35, at Alberto Mabini, 36. Nasa watchlist ng barangay ang pangunahing suspek habang nakatala naman bilang newly identified drug personality sina Rodel at Albert

Bago nadiskubre ang tig-isang kilo ng 47 bloke ng marijuana, nakapagbenta muna ng tatlong pakete nito ang pangunahing suspek sa umaktong police poseur-buyer

Tinatayang may market value na hindi bababa sa P564,000 ang halaga ng mga narekober na marijuana. Nabawi rin sa mga suspek ang P400 marked money

Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Related posts

Leave a Comment