26 KATAO NASAGIP SA PROSTITUTION DEN

PROSTITUTION DEN

ANGELES City – Sinalakay ng  joint task force ng Angeles City Tourism Auxiliary, Angeles City Police Of-fice, Angeles City Barangay Outreach, City Information Office at Angeles City Emergency Disaster Command Center ang mga establisiyimento na front umano ng prostitution at 26 katao ang nasagip sa  Barangay Balibago sa lungsod na ito, kamakailan.

Ayon kay Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., hindi niya papayagan ang ano mang uri ng pagsasamantala sa mga manggagawa sa Lungsod ng Angeles partikular na sa mga kababaihan at kabataan.

“That is why the City’s saturation and inspection drive will be continuous. In fact, pagkaupo po natin noong July bilang Mayor, agaran tayong nag-inspeksyon sa mga club natin. At patuloy po tayong mag-iinspeksyon para matanggal na sa siyudad natin ‘yung ganyang mga gawain,” ayon sa punong lungsod.

Nabatid na ang mga nailigtas ay kinabibilangan ng 17 kababaihan at siyam mula sa Lesbian, Gay Bisexu-al, Transgender, Transsexual, Two-Spirit, Queer, Questioning, Intersex, Asexual Ally, o LGBTQ2+ com-munity, na umano’y pawang unregulated entertainment workers, na ang ibig sabihin ay walang pink health cards mula sa tanggapan ng Angeles City Government.

“Ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles ay patuloy na pinapangalagaan ang kalagayan at kalusugan ng bawat manggagawa partikular na sa mga nagta-trabaho mula sa mga maliliit na komersyo, it is adamant that the city government implements measures to ensure that their health and safety is protected,” ani Lazatin.

Matatandaan, nitong Hulyo 2019, nagpalabas si Mayor Lazatin ng Executive Order No. 5, nakasaad na “all workers in massage parlors, spas, and other establishments offering similar services in Angeles City should secure a pink health card from the Angeles City Sanitation/EHS Division”. (ELOISA SILVERIO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment