21 STUDENTS SA ILOCOS NORTE; 10 SA BACOLOD, ‘SINAPIAN’

(NI KIKO CUETO)

AABOT sa 21 na estudyante ang pinaniniwalaang sinaniban umano ng masamang espiritu sa Ilocos Norte.

Sa report, nagwawala at sumisigaw ang mga estudyante ng Marcos National High School.

Dinadasalan pa ng mga guro at kakalse ang mga estudyante na sinaniban umano.

May ilang estudyante din ang sumisigaw tapos ay biglang tumatawa.

Ang iba na nahimasmasaman ng mas maaga, niyakap ang magulang na umiiyak.

Kwento ng principal ng eskwelahan, pagkatapos ng blessing ng bagong gusali ng kanilang paaralan na Marcos National High School, saka nangyari ang naturang pagwawala ng mga estudyante.

“One by one they fell down. Hindi namin alam kung sino uunahin namin,” sinabi ni Principal Paciano Cid.

Itinakbo ang nga estudyante sa malapit na simbahan para dasalan.

“Nagseizure, meron nagsabi sa pinagtayuang building may tanim na mangga kasi nga pinutol,” dagdag ni Cid.

Pero para sa pari na pinagdalahang simabahan, posibleng ibang kaso ang nangyari.

“They should not think na they were influenced by evil spirits we just pray to help that God will help them,” sinabi ni Fr. Victor Calma, Parish priest ng St. Anthony Padua Parish.

“We need experts to determine,” sinabi naman ni Vilma Eda, superintendent ng DepEd Ilocos Norte.

Samantala, sa Bacolod, mabibilang ang mga estudyante na pumasok sa Father Gratian Murray Integrated, na nagkaroon din ng kaso ng umanoy mga siniban na estudyante.

Sa report, Martes ito nangyari kung saan 10 na estudyante ang sinasabing sinaniban.

Kwento ng guro na si Jocelyn Salamanes, Grade 2 teacher, ni isa na estudyante sa kanang classroom ay walang pumasok.

“Zero. Walang pumasok,” sabi ni Salamanes.

Dagdag niya, naintindihan naman niya ang takot ng mga magulang at estudyante.

Sinuspinde ang klase noong Martes dahil sa insidente ng mga sinapian na Grade 8 at 9 students.

Ang iba sa kanila nagwala at may nagsisigawan.

“Sabi ng pari i-try din namin investigate ang mga pamilya at background ng mga apektadong bata. Hindi pa naman natin masabi kung ano talaga, pero parang mass hysteria. May interview ako na bata wala naman silang nakita. May naramdaman lang daw,” kwento naman ni Dionisio Lindugan, Principal ng eskwelahan.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment