21 STALL NG TERMINAL, NAABO

NORTH COTABATO – Tinatayang nasa isang milyung piso ang inisyal na danyos matapos matupok ng apoy ang 21 stall sa entrance ng Tacurong City public terminal sa Purok Yellowbell, Barangay New Isabela ng lungsod sakop ng lalawigan ng Sultan Kudarat, iniulat ngayong Huwebes.

Ayon kay City Fire Chief Inspector Lucilyn Banac, hepe ng Tacurong Fire Station, nagsimula ang sunog dakong alas-11:15 ng umaga nitong Miyerkoles na umabot ng unang alarma.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy pero dahil sa gawa sa light materials ang ilang bahagi ng nasabing stall, mabilis na kumalat ang apoy.

Samantala, isang matandang babae ang naisugod sa pagamutan matapos na mahirapang makahinga dahil sa makapal na usok bunsod ng nasbaing sunog.

Hindi pa tukoy ng bureau kung ano ang dahilan ng sunog habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasiyon.

Related posts

Leave a Comment