200 MANGINGISDANG VIETNAMESE NAPADPAD SA ZAMBALES 

(NI JG TUMBADO)

NASA halos 200 mangingisdang Vietnamese na lulan sa kanilang anim na fishing vessels ang napadpad sa Zambales at napilitang tumigil dahil na rin sa pangangailangan nila ng pagkakanlungan mula sa sama ng panahon sa West Philippine Sea.

Araw ng Huwebes nang tuluyang makapasok sa karagatang sakop ng Subic Bay Freeport Zone ang mga bangkang pangisda ng Vietnamese kung saan sa abiso na rin ng Vietnamese Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay inalerto nila ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard kung kaya’t ligtas silang nakarating sa pampang at natakasan ang delubyong dala ng bagyong si ‘Quiel’.

“The Embassy would like to ask the competent authorities to allow the Vietnamese fishing vessels and ships carrying the Vietnam’s flag to be anchored in the Philippines safe ports and safe places,” ang ipinalabas na pahayag ng embahada ng Vietnam sa DFA.

Kasabay nito ay agad nagsagawa ng humanitarian aid ang lokal na pamahalaan ng Olongapo sa pangunguna ng alkalde na si Atty. Rolen “Lenj” Paulino Jr at Chairman/Administrator ng SBMA na si Atty. Wilma Eisma.

Mga bigas, delata at tubig ang agad ipinadala sa mga dayuhang mangingisda sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard at habang nananatili ang mga ito sa Subic ay patuloy silang bibigyan ng humanitarian assistance hanggang sila ay makabalik sa kanilang bansa.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment