2 SUNDALO NALASING, NAGWALA, KINULONG 

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang kasapi ng Philippine Marines (PM), makaraan arestuhin ng mga pulis nang magpaputok at manipa ng may-ari ng tindahan ng alak, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Sergeant Franz Dominik Principe nakatalaga sa Lanao del Sur at Private First Class Vicente Catunao Jr.  na nakatalaga naman sa Tawi-tawi, at kapwa residente ng Brgy. Abangay, Dingle, Iloilo.

Batay sa report ng Dingle Municipal Police Station, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa isang kiosk sa bayan ng Dingle, Iloilo City.

Makalipas ang oras, nalasing ang dalawa nang bigla na lamang sipain ni Principer ang may-ari ng kiosk.

Dahil dito, rumesponde ang mga barangay tanod para pigilan sa pagwawala ang suspek subalit nagpaputok naman ng baril si Catunao at masuwerteng walang tinamaan.

Nakuha mula mula kay Principe ang service firearm na 9mm Glock 17, 2- magazine, 11- bala , at 1- fired cartridge habang narekober naman kay Catunao ang loose firearm na caliber .45 Armscor, 2- magazine, 12- bala at 1 fired cartridge.

Nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide ang mga suspek.

 

Related posts

Leave a Comment