2 RETIRADONG GURO, NALITSON SA SUNOG

fire

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang dalawang retiradong guro na na-trap sa  nasusunog nilang bahay sa magkakahiwalay na insidente sa  lalawigan ng Pangasinan at Batangas, Martes ng madaling araw.

Sa unang insidente na iniulat ng  Pangasinan Police,  alas -12:20 ng madaling  araw  nang masunog ang bahay ni Nora Erfe , 89, biyuda, retiradong guro at residente sa Brgy. Poblacion, San Fabian, Pangasinan.

Sa salaysay ng  isa sa mga kapitbahay at kapamilya ng biktima na si Ann Erfe, 37, nagsimula mismo ang sunog sa silid ng matanda  sanhi ng natumbang kandila sa altar kung saan mabilis kumalat ang apoy nito.

Dahil sa nilalamon ng malaking apoy ang buong kabahayan, hindi nagawang mailigtas pa ang biktima.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang matanda nang marekober ito sa loob ng banyo nang maapula ang sunog ganap na ala-1:00 ng madaling araw.

Samantala sa  isa pang insidente ng sunog ang naganap dakong alas- 2:30 naman ng madaling araw sa isang tahanan sa Brgy. Sampaga, Batangas City kung saan nakulong din ng apoy ang isa pang retiradong guro na si Celering Alday Sultera .

Nagulantang na lamang umano ang mga residente sa lugar nang makitang nilalamon ng apoy ang tahanan ni Alday na nasawi sa insidente matapos na ma-trap sa sunog.

Naapula naman ang apoy ng mga nagrespondeng pamatay sunog bandang alas-3:32 ng madaling araw  at narekober  ang sunog na katawan ng biktima.

Inaalam pa ang lawak ng pinsala at halaga na iniwan ng sunog.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment