2 PATAY SA LAMBANOG POISONING SA LUCENA

HINDI pa man natatapos ang imbestigasyon sa sunud-sunod na pagkamatay sa pag-inom ng lambanog, dalawa katao ang naiulat na namatay din sa pinakabagong insidente nitong Pasko sa Barangay Dalahican, Lucena.

Kapwa isinugod sa pagamutan nang bumula ang mga bibig nina Arvin Jun Santiago, 34, at Dominic Torres Colegio, 29.

Ayon sa Lucena City Police, alas-8 ng umaga noong Disyembre 24 nang isugod sa Quezon Medical Center ang dalawa na parehong nakaranas ng sintomas ng pagkalason tulad ng pagsusuka at pagkahilo.

Martes, Disyembre 24, ng gabi namatay si Santiago, habang hapon ng Pasko, Miyerkoles, naman si Colegio habang sumasailalim sa dialysis.

Tumanggi na ang mga kaanak na isailalim sa autopsy ang bangkay ng mga biktima.

Inaalam na ng Lucena City Police kung saan binili ng mga biktima ang nakalason umanong lambanog.

Samantala, umabot na sa 17 ang bilang ng namatay dahil sa menthanol poisoning na nangyari sa Rizal, Laguna at Candelaria Quezon.

 

Related posts

Leave a Comment