2 PATAY SA ‘DI BINAYARANG RESTO BILL

accident121

(NI ROSS CORTEZ)

DEAD on the spot ang dalawa sa tatlong sakay ng dalawang motorsiklo, habang sugatan ang isa pa, sa habulan sa Barangay Sabang, sa lungsod ng Dasmariñas Cavite, alas-2:00 ng madaling araw kanina.

Sa tala ng pulisya, sakay ng unang motorsiklo  ang magkapatid na sina Edgardo at Teddy Laudato, habang hinahabol sila ng ikalawang motorsiklo  na minamaneho ni Eurigine Jiao, may-ari ng bar.

Galing umano sa isang resto bar a pag aari ni Jiao, ang magkapatid na Laudato at nag inuman, ayon sa mga saksi na tumangging humarap sa kamera, hindi umano kumpleto ang ibinayad ng mga ito sa kanilang bill at agad na umalis ng bar.

Dito na sila hinabol ng may ari ng bar na si Jiao, sa malas, pagdaan sa kurbadang kalsada sa Brgy Sabang, hindi nakapagpreno ang driver ng unang motor na si Edgardo Laudato, at diretsong sumalpok sa sementadong pader sa tabing kalsada.

Segundo lang ang pagitan at sumalpok din ang ikalawang motorsiklo na minamaneho ni Jiao sa kaparehong pader na sinalpok ng unang motorsiklo.

Resulta nito, agad binawian ng buhay sina Edgardo at Jiao, habang naitakbo naman sa ospital si Teddy

Sa panayam sa residente sa lugar na si Diane De Guzman, bago ang aksidente, nakarinig sila ng malakas na kalabog.

Nakita na ang nakahandusay  na  mga biktima;  dalawa ay hindi na gumagalaw at ang isa ay nangingisay habang nadugo ang bibig.

Ayon mga residente, malimit ang aksidente sa lugar dahil sa pakurbadang daan dito.

 

Related posts

Leave a Comment