2 PASLIT KAPWA NI-RAPE, PINATAY SA HIWALAY NA LALAWIGAN

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang dalawang limang taon gulang na batang babae matapos silang gahasain ng kanilang mga sariling tiyuhin sa magkakahiwalay na probinsya sa Bulacan at Bukinon, iniulat Huwebes ng umaga.

Hubo’t-hubad na nagpalutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang biktimang si Ashley Nicole Silva, 5-anyos ng Calumpit Bulacan.

Arestado naman ang suspek at tiyuhin na kinilalang si Marvin Mengolia, 23-anyos, ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa ilog sa nasabing lugar dahilan para iahon ito.

Lumabas sa pagsisiyasat, nagpositibong ginahasa ang biktima ng suspek na agad naman nadakip sa ginawang follow-up operation.

Ayon sa pulisya, bangag sa solvent ang suspek nang isakatuparan ang karumal-dumal na krimen at hindi lamang unang beses nitong ginawang kahalayan ang bata.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa sa bata at sinabi pa nitong pinatulog niya muna ang pamangkin saka niya ginahasa dahil nagising dinala niya ito sa ilog saka itinulak.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape with homicide ang suspek.

Samantala, sa Valencia Bukidnon, namatay din ang 5-anyos na paslit na babae matapos gahasain ng kanyang tiyuhin na pinatulog lamang ng kanyang magulang sa bahay ng suspek dahil nag-aaway ang mga ito.

Kinabukasan, tinungo ng ama ang anak sa bahay suspek at nadatnan nitong nakahiga at nakabalot ng kumot kaya ginising niya ito subalit hindi na gumagalawa pa.

Kaagad na dinala sa ospital ang bata kasama pa ang suspek pero idineklara na rin itong patay.

Nang malaman ng suspek na patay na ang bata, mabilis itong tumakas.

Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor, lumabas na ang sugat sa kaselanan ng bata na dulot ng panghahalay ang ikinamatay nito.

Hinagilap ng ama ng suspek sa labas ng ospital pero nawawala na ito kaya humingi na siya ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

Nahaharap sa kasong Rape at homicide ang suspek .

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment