2 OPISYAL NG OSPITAL NAGPUSLIT NG PERA

Cauayan Medical Specialist Hospital

ISABELA – Swak sa kulungan ang dalawang opisyal ng isang ospital makaraang mahuli sa aktong magpupuslit ng malaking halaga ng pera, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Namnama Calacien, 39-anyos, board secretary, at Glory Mae Batuy, 38-anyos, treasury head, kapwa ng Cauayan Medical Specialist Hospital.

Ayon sa report ng Isabela-PNP, nakuha mula sa mga suspek ang P331,000 na nakalagay sa pulang envelope.

Ayon kay Atty. Ernesto Piedad, corporate president ng nasabing ospital, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanilang mga empleyado na maglalabas ng pera si Calacien.

Dahil dito, agad humingi ng tulong sa pulisya si Piedad at aktong naabutan si Calacien sa labas ng ospital na may bitbit na mga envelope dahilan para tanungin niya kung ano ang mga laman nito.

Tumanggi pa umano ang suspek na ipakita ang mga laman ng envelop kaya sapilitan itong hinablot at tumambad ang nasabing mga pera.

Sinampahan ng kasong qualified theft ang mga suspek. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment