2 NPA TODAS SA MILITAR

PATAY

(Ni JG Tumbado)

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa bulubunduking bahagi ng Barangay sa bayan ng Panganiban sa Catanduanes araw ng Linggo.

Nabatid kay Army Lt. William Hiponia, company commander ng 83rd Infantry Battalion, nagsasagawa umano ng combat operation ang kanyang tauhan katuwang ang Provincial Mobile Force Company ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) at Panganiban Municipal police sa Barangay Taopon ng makasagupa ng mga ito ang nasa 7 mga rebeldeng komunista dakong ala-1 ng madaling araw.

Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig at matapos ang sampung minutong bakbakan ay bumulagta ang dalawang hindi pa makilalang rebelde.

Umatras ang kalaban kung saan iniwan na ang napatay nilang kasamahan at maging ang ginamit na AR15 assault rifle at ibat ibang mga bala sa encounter site.

Patuloy pa ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nagsitakas na kalaban na sinasabing patungo sa bundok na sakop na ng katabing bayan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment