2 NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong nagmamaneho sa van matapos pagbabarilin habang tumatakbo  sa national highway, Pagsanjan, Laguna Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Pagsanjan Medical Center ang biktimang si Jojo Perez samantalang ginagamot pa si Wenny Bautista.

Ayon sa report ng Pagsanjan police, kapwa nakasakay  ang dalawa sa itim na Innova van  mula sa bayan ng Sta Cruz, nang pagsapit sa Barangay Biñan ay biglang tumapat ang mga naka-motorsiklong suspek sa kanang bahagi ng sasakyan.

Pinaulanan ng mga ito ng bala ang nakaupo sa passenger seat na si Perez.

Nahagip naman ng mga bala ang nagmamanehong si Bautista.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang impormasyon na ang biktimang si  Perez ay sangkot sa iligal na droga sa Pagsanjan at mga karatig bayan.

 

Related posts

Leave a Comment