2 NAGLAKAD SA KALSADA INULAN NG BALA

QUEZON – Tumimbuwang na walang buhay sa kalsada ang dalawa katao makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang naglalakad, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina John Rod Francia, 29, at Lorelee Mapoy, 38,  kapwa residente ng Purok 7, Brgy. Malabanban, Candelaria Quezon.

Batay sa report ng Candelaria Police station, naglalakad ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot nag suspek na armado ng .99mm na baril at pinagbabaril ang dalawa.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na nagresulta ng agaran nilang kamatayan habang mabilis namang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment