2 MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAG-OVERTAKE

accident12

CAVITE – Dahil sa pag-overtake sa sinusundang sasakyan, namatay ang dalawang motorcycle ri­der  matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan.

Dead on the spot ang biktimang si Gery Domantay habang idineklarang dead on arrival sa Dr. Poblete Memorial Hospital si Leo Dechavez, 29, gardener,  ng Pier Barangay Manggahan, 1, Alfonso, Cavite.

Sa ulat, minamaneho ni Domantay ang kanyang Honda motorcycle habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive na  sakop ng Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite dakong alas-8:10 ng umaga kahapon nang maganap ang aksidente.

Nag-overtake umano sa kasunod na motorsiklo kaya nasakop nito ang kabilang linya ng kalsada kung saan nakasalubong nito ang isang Foton truck na minamaneho ni John Madrasa kaya’t sumalpok ang motorsiklo.

Kaagad na nasawi ang biktima habang sumuko sa pulis si Madrasa.

Samantala, minamaneho naman ni De Chavez ang kanyang motorsiklong Mitsukoshi habang binabagtas ang kahaban ng Marahan-Alfonso Cavite Road patungo sa south direction ng Kaytitinga Drive nang pagsapit sa isang palikong bahagi ay tinangka nitong mag-overtake sa isang Chevrolet Trailblazer subalit nakasalubong naman nito ang isang  Honda Civic (URI 892)  dahilan upang bumangga  ang sasakyan ng biktima na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo halos 5 metro  ang layo.

Isinugod pa sa ospital si De Chavez Subalit hindi rin ito umabot nang buhay. (Sigfred Adsuara)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment