2 LALAKI NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KRITIKAL ang  dalawang lalaki matapos nang pagbabarilin habang sakay sa isang  van sa Barangay Pinamucan Proper, Batangas City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Sauro Jr., 27, machine operator at residente ng Brgy. Natunuan North, bayan ng San Pascual  at Angelito Saes, 41, driver, ng Barangay Simlong, Batangas City.

Ayon sa imbestigador ng Batangas City Police, sakay sa Toyota hiace ang mga biktima na minamaneho  at  patungong Barangay Simlong nang biglang pinaulanan ng bala ng suspek na sakay din ng isang hindi nakilalang sasakyan.

Natadtad ng bala ang kaliwang bahagi ng van.

Target umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang driver na si Saes na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadamay din ang katabi nito na si Sauro na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Blangko pa ng pulisya sa motibo sa pamamaril at kung sino ang mga suspek.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment