2 KANO SA OLONGAPO HULI SA BUY BUST

(NI ANNIE PINEDA)

LAGLAG ang dalawang American national sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad, sa Angeles City.

Kinilala ng mga nadakip na sina Paul Montemayor, 42, at Shaneeka McAlister, 38, kapwa naninirahan sa Barangay Anunas sa Angeles City.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Central Luzon, ikinasa ang operasyon laban sa dalawang suspek nang makatanggap sila ng report hinggil sa iligal na pagbebenta ng kush oil na kinukuha mula sa cannabis plant, isang high-grade type ng marijuana, na mahigpit na ipinagbabawal sa bansa.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang vape na may yellow liquid, dalawang maliit na kahon na may 33 gramo ng kush oil na aabot sa P14,000.00 halaga at buy-bust money.

Nabatid, na si Montemayor ay nagtatrabaho bilang disc jockey, habang si McAlister ay dating English teacher sa South Korea noong 2016 at nasa Pilipinas sa loob ng mahigit isang buwan bilang turista.

 

Related posts

Leave a Comment