2 ESTUDYANTE PATAY SA GUMUHONG PADER 

PATAY

CAGAYAN de Oro City – Binawian ng buhay ang dalawang mag-aaral nang mabagsakan ng gumuhong pader sa loob ng kanilang paaralan habang naglalaro, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Joven Singuil at James Lagunos, kapwa 15-anyos, Grade 7 at residente sa Purok 6 sa naturang lugar at parehong estudyante ng Salimbalan Elementary School sa Baungon, Bukidnon.

Batay sa report ng Baungon Municipal Police Station, abala ang mga biktima sa paglalaro sa loob ng kanilang paaralan nang biglang gumuho ang pader at nabagsakan ang dalawa.

Dumanas nang matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment