2 ESTUDYANTE  NASAKOTE SA P.9-M SHABU

SHABU-24

CAVITE – Upang makatapos umano ng pag-aaral, nagsideline bilang tulak ng droga ang dalawang estudyante subalit minalas na naaresto at nakuhanan ng mahigit P.9 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Dasmariñas City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Akmad Saripada, 22, alyas “Mads”, ng Area 1, Barangay San Dionisio at Jay Gravoso, 23, ng Area D, Barangay Luzviminda, kapwa sa Dasmarinas City.

Sa ulat ni P/SSgt Christian Cuevas, ng Dasmarinas City Police Station,  ilang impormante ang nagtungo sa pulisya at inginuso ang dalawang estudyante na sangkot sa bentahan ng droga sa lugar kung kaya’t ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Datu Esmael, Damarinas City Cavite bandang alas-11 ng gabi ng Sabado.

Nasa aktong iniaabot ni Saripada sa poseur buyer cop ang 30 gramo ng shabu kapalit  na may street value na P280,000 kapalit ng marked money nang arestuhin siya.

Inaresto rin si Gravoso na nakuhanan ng tinatayang 100 gramo ng shabu na may street value na P680,000 na nakalagay sa isang kulay asul na eye glasses case.

Nakuha rin mula kay Gravoso ang ilang drug paraphernalia.

(Sigfred Adsuara)

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment