2 ESTUDYANTE HULI SA PINAGNAKAWANG ISKUL

crime robber12

(NI KIKO CUETO)

BACOLOD, Negros Occidental: Timbog ang dalawang estudyante, kabilang ang menor de edad, na nagnakaw umano sa mismong eskwelahan na pinapasukan nila.

Kinilala ang dalawa na sina Alyas ‘Jun,’ 18, at Alyas ‘Paul’, 16.

Sa report, nagnakaw umano ang dalawa ng gamit mula sa kanilang paaralan sa lungsod na ito, Linggo ng madaling-araw.

Mismong ang security guard ng eskwelahan ang nakahuli sa dalawang bata.

Tinatangay sana nila ang tatlong electric fan, 2 bluetooth speaker, shorts, pabango at iba pang kagamitan, mula sa isang classroom.

Sinabi ng pulis na nakiusap na huwag pangalanan ang paaralan.

Iginiit naman ng isa sa mga teenager na nagawa lang nila ito dahil kapos sila sa pera.

Gayunman, kakasuhan ng robbery ng paaralan ang kanilang dalawang  estudyante.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment