2 DRUG PEDDLER KUMASA, PATAY

15 huli sa drug war

BULACAN – Dalawang umano’y drug peddler, kabilang ang isang nasa PNP/PDEA unified watchlist, ang napatay nang kumasa sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose del Monte (SJDM) City police nang makatunog na undercover agent ang katransaksyon habang 15 iba pa ang nadakip sa serye ng buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo, SJDM City at iba pang munisipalidad sa lalawigang ito, nitong Sabado.

Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na mga suspek na si Reymar Mallari, kabilang sa drug watchlist, at isang alyas Jojo.

Ang dalawa ay kapwa napatay sa engkuwentro sa mga awtoridad habang lima nilang kasamahan ang nadakip, kabilang ang dalawang menor de edad makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu dakong 8:20 nitong Sabado ng gabi sa buy-bust operation ang SDEU ng SJDM City police, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Gil Domingo, hepe ng pulisya, sa Towerville, Barangay Sto. Cristo, SJDM City.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang improvised shotgun at 42 pakete ng shabu.

Samantala, sampu pang hinihinalang tulak ang nadakip sa serye ng buy-bust operation ng SDEU sa mga bayan ng Plaridel,San Rafael at Meycauayan City. (GINA BORLONGAN)

 

Related posts

Leave a Comment