2 CONTRACTORS GUILTY SA TAX EVASION

TAX EVASION

NAPATUNAYANG guilty beyond reasonable doubt ng Court of Tax Appeals (CTA) sa pandaraya sa buwis ang dalawang contractors sa lalawigan ng Palawan.

Kinilala ang mga hinatulan na sina Rebecca S. Tiotangco, sole proprietress ng Anilos Trading and Con-struction, at Rommel S. Ynion, sole proprietor ng Hoksing Builders.

Ang dalawa ay hinatulan sa paglabag sa Section 254 (Tax Evasion) at Section 255 (Willful Failure to File VAT Returns and Willful Failure to Supply Correct and Accurate information in their Tax Returns) ng Na-tional Internal Revenue Code of 1997, bilang amended (Tax Code).

Sa isinagawang evaluation at comparison ng BIR sa gross income declared ni Tiotangco sa kanyang 2008 at 2010 Quarterly VAT Returns (2551Q) laban sa kanyang kinita sa parehong periods na sinertipikahan ng provincial government ng Palawan, nadiskubre na ang akusado ay hindi nagbigay ng tamang impor-masyon ng kanyang Quaterly VAT returns ng kanyang gross income.

Tinukoy rin ng CTA na paulit-ulit na ginawa ng akusado ang pandaraya sa kanyang gross sales/receipts (nang mahigit 30%) na ikinalugi ng gobyerno sa buwis.

Bunsod nito, si Tiotangco ay pinatawan ng tatlong counts ng paglabag sa Section 255 ng Tax Code, at pagkakakulong ng isang taon, bilang minimum, hanggang dalawang taon bilang  maximum  at ipinag-utos na magbayad ng  P10,000 halaga ng danyos.

Samantala, si Ynion ay napatunayan ding guilty sa kasong Evasion of Income Tax and Willful Failure to Supply Correct and Accurate information sa kanyang Income Tax Returns (ITR) para sa taxable years 2006, 2008 at 2010.

Kaugnay nito, si Ynion ay may kabuuang dinaya umano sa buwis sa gobyerno sa halagang P208,695, 131.32, at may walong bilang ng  paglabag sa Tax Code na may parusang pagkakakulong. (JOEL O. AMONGO)

 

Related posts

Leave a Comment