2 BATA SHOOT SA BUTAS, TODAS, 2 SUGATAN

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG hinigop ang apat na bata na ikinasawi ng dalawa makaraan mahulog ang mga ito sa butas na daluyan ng tubig habang nanghuhuli ng ibon, Linggo ng hapon sa ng Bacolod City.

Kinilala ang namatay na sina Adrian Bagundol, 10, at Robert Porcino, 6, habang dinala naman sa ospital sina Edgardo Monserati Jr., 6, at Paul Soquiño, 8, pawang mga residente ng Purok Star Apple, Barangay 27.

Batay sa report ng Police Station 4-Bacolod, dakong alas 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Murcia Milling Corporation habang patuloy ang konstruksiyon ng Mega World property Development, na sakop ng Bgy. 41 ng nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtatakbo ang mga biktima para manghuli ng ibon hanggang sa mapadpad sila sa loob ng compound ng Mega World kasama ang isa pang bata na si Prince Justine.

Sinaway umano ng guwardiya ang mga bata na lumabas ng compound dahil delikado subalit hindi umano nakinig ang mga ito.

Dito, lumusot ang apat na biktima sa malaking butas dahilan para mahulog ang mga ito sa daluyan ng tubig ng may lalim na 6 hanggang 7 talampakan.

Tuluyan nang inanod sina Bagundol at Porcino na agad nilang ikinamatay habang masuwerte naman nakakapit sa puno ng kahoy sina Monserati Jr., at Soquiño,  na agad dinala sa ospital habang si Justine ay hindi na sumunod pa sa apat.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment