2 BAGETS TIMBOG SA CARNAP

CARNAPPER-3

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, matapos holdapin at tangayin ang isang tricycle na kanilang sinakyan sa Dasmariñas City sa lalawigang ito.

Ang mga suspek na kinilalang sina Elmer  Dela Cruz, 22, at isang alias Harvy, 15, kapwa residente ng Brgy. Sampaloc 4, Bautista property, Zone 3, Dasmariñas City, ay sinampahan ng kasong robbery holdup at carnapping dahil sa reklamo ni Denver John Paredes, 24, tricycle driver, ng NAIA Road, Dasmariñas City.

Sa ulat ni Pat. Jayson Raquel ng Dasmariñas City Police Station, sumakay ang mga suspek sa tricycle ng biktima sa Brgy. Salawang ng naturang lungsod dakong ala-1:00 nitong Biyernes at nagpahatid sa Brgy. Victoria Reyes ngunit pagdating sa lugar, imbes na magbayad ay nagdeklara ng holdap ang dalawa at tinangay ang motorsiklo ng biktima.

Agad namang nag-report ang biktima sa himpilan ng pulisya na  nagsagawa ng hot pursuit operation na ikinadakip ng mga suspek.

Si Dela Cruz ay nakakulong na sa Dasmariñas City Custodial Center habang si Harvy ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare Development (DSWD). (SIGFRED  ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment