2 ARESTADO SA P9.1-M SHABU SA BACOLOD BUY BUST

SHABU-ARRESTED

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang dalawang lalaki kabilang ang isang drug surrenderee at high value target matapos mahulihan ng malaking halaga ng hinihinalang shabu sa ginawang buy bust operation, Sabado ng gabi sa Bacolod City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Sunny Capa, 22, isa sa mga high-value target at drug surrenderer na si Ely Lorence Sazon, 20, kapwa residente ng Purok Mahimulaton, Barangay Banago.

Batay sa report ng Bacolod Police Station 3, gabi ng Sabado nang madakip ang mga suspek sa Bangga Subay, Barangay Banago, ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa mga suspek ang 10heat sealed transparent plastic sachets na pinaniniwalaan naglalaman ng shabu, P1,000 buy bust money at coin purse.

Tinatayang nasa 610 gramo ang bigat ng narekober na shabu at nagkakahalaga ng P9.1 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

 

Related posts

Leave a Comment