2-ANYOS, SUNDALO, CAFGU PATAY SA AMBUSH

shooting incident123

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng paslit, kasapi ng Philippine Army (PA) at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaan kasapi ng Abu Sayyaf Group, nitong Lunes, kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan, ng 2nd Special Forces Battalion; Aldazier Hassan ng CAFGU, at Abdukalim Sahisa, 2-anyos habang ginagamot naman sa ospital ang isang 11-anyos na bata.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Kagay, Patikul-Talipao, Sulu.

Lumabas sa pagsisiyasat, sakay ng motorsiklo sina Halasan at Hassan habang binabagtas ang kahabaan ng Patikul-Talipao nang bigla na lamang silang hinarang ng armadong teroristang grupo at pinaulanan ng bala mula sa matataas na kalibre na armas.

Agad namatay ang sundalo at cafgu habang nadamay naman ang dalawang bata na mabilis isinugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga ang paslit habang patuloy na inoobserbahan ang 11 anyos.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng mga otoridad laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment