18-ANYOS, NAHULIAN NG P.7M SHABU

SHABU-ARRESTED

HINDI nakuntento sa kinikita kaya luminya sa pagbebenta ng hinihinalang shabu ang isang 18-anyos na service crew na nahulian ng tinatayang P.7 milyon halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Imus City, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng Art. 2 ng RA 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Kobe Andrei Rivera, alias Kobe ng  B1L2 Phase 5 Woodlane Subd Brgy Malagasang 1-B, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-2:50 kahapon ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus CPS at PDEA Cavite sa Brgy Malagasang  1-B, Imus City, Cavite kung saan target ang suspek.

Nabatid na kagagaling lamang sa trabaho ang suspek at agad na kinontak ang ka-transaksiyon upang agad na madispatsa ang tinatayang 103.06 na gramo ng shabu na may street value na P700,400  para sa kanyang karagdagag kita.

Pero hindi nito sukat akalian na ang iniisip na pandagdag sa kanyang kita ay habang-buhay na pagdurusa sa rehas na bakal dahil pulis pala ang kanyang ka-transaksiyon sa kanyang illegal na gawain na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang suspek. (SIGFRED  ADSUARA )

Related posts

Leave a Comment