17-ANYOS NATULOG SA ILALIM NG TRAK, NAPISAK

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

SUMAMBULAT ang utak ng isang binatilyo makaraan magulungan ng trak habang natutulog sa ilalim nito, iniulat kaninang umaga sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Ronie Senayo, 17, ng Bgy. Felisa, Bacolod City.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang driver ng trak na kinilalang si Marco Cabrero ng nasabing lugar.

Batay  sa report ng Bacolod-PNP, dakong alas- 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang pagilingan ng tubo sa Victorias, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng ama ng biktima na si Erwin Senayo, sumaka ang kanyang anak kay Cabrero sa milling company para ipagiling ang mga kargang tubo.

Pagdating sa pagilingan, mahaba ang pila kaya nagpasyang matulog na lamang muna ang biktima sa ilalim na trak na lingid sa kaalaman ni Cabrero.

Pagpaandar ng trak saktong nagulungan ang ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente sumuko sa pulisya ang suspek at hinihintay na lamang ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso o makipag-areglo na lamang.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment