13 POLICE SCALAWAG SA CEBU SINUSPINDE

CEBUCITY12

(NI JG TUMBADO)

SUSPENDIDO ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang nasa 13 tauhan na nakatalaga mula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan.

Kasunod ito sa iba’t ibang uri ng paglabag at iregularidad sa kanilang serbisyo.

Ayon kay Police Colonel Manuel Abrugena, CPPO director, habang nasa ilalim ng suspensyon ang mga pulis ay hindi makatatanggap ng mga bonuses at allowances ang mga Ito.

Hindi naman pinangalanan ni Abrugena ang nasuspindeng mga pulis pero galing ang mga ito sa iba’t ibang himpilan sa Ginatilan, Bojoon, Alcoy, Consolacion, at Compostela.

Mayroon din umanong isa mula sa Provincial Personnel Holding, and Accounting Unit (PHAU).

Sasailalim sa investigation process ang mga nasuspindeng pulis.

Ani Abrugena, bahagi ito ng kanilang internal cleansing bilang tugon na rin sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment