12-ANYOS ARSONIST NALAMBAT

kabacan north cotabato

(NI BONG PAULO)

NADAKIP ng pulisya ang isang 12-anyos na suspek sa panununog sa ilang mga establisimyento sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Head David Don Saure, may witness umano na nakakita sa naturang bata na may dalang plastic at lighter bago ang insidente ng sunog.

Nabatid na abot sa pitong mga establisimyento ang nasunog simula gabi  hanggang kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Bahay Buko, dakong alas-7:30 ng gabi at abandonadong bahay na pag-aari ng Orpiano family (pasado alas-8:00 ng gabi) na kapwa nasa Barangay Osias.

Ang limang iba pa ay nasunog kaninang madaling araw sa Poblacion na kinabibilangan ng Manolette Bakeshop, Pritong Manok, Corpuz Patilan, Cake’s by Lial at isang space for rent na stall.

Ayon kay Fire Inspector Albert Lagura ng BFP Kabacan, umaabot sa P2.233 milyon ang kabuuang danyos sa pitong magkakahiwalay na sunog.

Maituturing na arson ang insidente dahil sa intensiyon na pagsunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya at BFP ang motibo sa sunog maging ang kasabwat nito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment