11 SUNDALO SUGATAN SA PINASABOG NA IED NG NPA

ied

LABING-ISA sundalo ang sugatan matapos makasagupa ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley araw ng Miyerkoles.
Nabatid kay Capt. Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, alas 10 ng tanghali ng maganap ang sagupaan sa pagitan ng 10th Division Reconnaissance Company at 25th Infantry Battalion at ng mga rebelde sa Sitio Tinago, Brgy. Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo.
Sinabi ni Lamosao na iniulat ng mga residente sa mga sundalo ang presensya ng NPA sa lugar na nagre-recruit umano ng mga bagong miyembro at pinupwersa ang mga sibilyan na dumalo sa anniversary gathering ng grupo.
Doon na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng gobyerno.
Agad nagpasabog ng Improvised Explosive Device (IED) ang mga rebelde na ikinasugat ng mga sundalo.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang sundalo at pawang nasa maayos nang kondisyon.

Nananatili ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa nagsitakas na mga rebelde. (JG Tumbado)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment