100 KABAHAYAN NASUNOG SA CAINTA

(NI KNOTS ALFORTE)

TINATAYANG aabot sa 100 kabahayan o 200 pamilya ang apektado nang sumiklab ang apoy sa informal settlers sa Cainta, Rizal, ngayong Lunes.

Agad pinauwi ang mga estudyante dahil kalapit lamang ng nasusunog na kabahayan ang ICCT School, na umabot sa ikatlong alarma ang sunod.

Ayon sa inisyal na report, dakong alas-9:10 ng umaga nang may tumawag sa BFP Cainta hinggil sa nasusunog na kabahayan sa Sitio Bagong Sibol, Brgy San Isidro, Cainta, Rizal.

Agad na nakalikas ang mga nakatira dala ang kani-kanilang mga gamit habang patuloy sa pag-apula ng apoy ang mga pamatay-sunog. Hanggang ngayon ay inaalam pa ng BFP Cainta ang pinagmulan ng apoy, ayon kay S/INSP. Richard Erichson Malamug Fire Marshal ng Cainta Bureau of Fire Protection.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment