10 SUGATAN SA BANGGAAN NG TREN, VAN

(NI CYRILL QUILO)

CALAMBA, Laguna- Isang van ang sumalpok sa rumaragasa tren ng PNR sa Purok 6 ,Brgy. Rd Parian, Calamba, Laguna, ngayong Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PolLt. Col. Jac Malinao, bandang alas 4:50 ng madaling araw patungong Tutuban Maynila ang tren ng Philippine National Railways PNR nang tumawid ang puting van lulan ang driver na si Jourdan Charlie Lunaria, 31, ng JP Rizal St. Victoria, Laguna at Miguel Aguilar, 22, ng Brgy. Looc Calamba City.

Nahagip ang kaliwang bahagi ng van na tutungo sa Brgy. Parian. Sumalpok ito sa rumaragasang tren saka tumama sa ilang kabahayan nina Albert Bunagwa, Mark Lester Ricafranca at Jennielyn Leonen.

Damay din sa banggaan ang isang tricycle ni Gloria Villanueva.

Samantala, sugatan naman ang apat pang residenteng sina Nilda Leonen,Lea  Chavez,Lorena Tiamzon at Jan Aireel Manood.

Sa pangunguna ni Jeffrey Rodriguez, ng Public Order and Safety Office (POSO) dinala ang lahat ng mga sugatan sa JP Rizal Memorial Hospital upang lapatan ng lunas.

Related posts

Leave a Comment