10 KILO HIGH GRADE SHABU NASAMSAM SA TUMAOB NA SPEEDBOAT

(NI JG TUMBADO)

NAGULANTANG ang mga awtoridad sa pagkakadiskubre sa may 10 kilo ng high grade shabu mula sa tumaob na speedboat sa karagatang sakop ng Zambales nitong Biyernes ng umaga.

Wala nang crew o tauhan nang marekober ang nasabing speedboat habang nasa tabi lamang nito ang dalawang kulay asul na plastic drum na palutang-lutang malapit sa dalampasigan ng Barangay Loc-loc sa bayan ng Palauig.

Ayon sa report ng Palauig Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa ilang residente sa lugar kaugnay sa pagkakatagpo sa nabanggit bangka.

Sinasabing una nang inabandona ng crew ang bangka at maging ang karga nito madaling araw pa lamang ng Biyernes.

Kasama ng Palauig police ang ilang tauhan ng PNP Maritime Unit at Philippine Coast Guard (PCG) ay tinungo ang lugar kung saan bumulaga ang bulto bultong shabu na nakapaloob sa dalawang malaking plastic drum.

Tinatayang nasa P80 milyon ang halaga ng nasabat na iligal na droga.

Pormal nang nai turn over ang kontrabando sa pangangalaga ng Zambales Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kung saan nagmula ang nasabing speedboat kasabay na rin sa pagtukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment