1 PATAY, MANUGANG NG VICE MAYOR LIGTAS SA AMBUSH

GUN FIRE-2

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAKALIGTAS sa pananambang ng riding in tandem ang manugang ng isang vice mayor subalit nasawi naman ang drayber nito sa Samar, Sabado ng hapon.

Naganap ang pananambang ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki lulan ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Macatubig, Tinambacan District sa Calbayog City ganap na alas-4:00.

Sa ulat ng Calbayog City Police Office, dead on the spot ang biktimang si Joseph Ortega, empleyado ng Calbayog City Local Government Unit (LGU) makaraang magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan habang sugatan ang kasama nitong si Manuel Sajul, manugang ni reelectionist Calbayog City Vice Mayor Diego Rivera.

Patungo sana ang dalawang biktima sakay ng kulay itim na Mitsubishi Adventure sa Barangay San Joaquin nang pagbabarilin ng mga suspek.

Nagawa namang manehohin ng sugatang si Sajul ang sasakyan sa kabila ng kanyang mga tama ng bala malapit sa istasyon ng pulisya.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng ambush ng mga suspek na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Related posts