1 PATAY, 1 SUGATAN SA BARILAN SA MONTALBAN

montalban1

(NI KNOTS ALFORTE/PHOTO BY JOJIT ALCANTARA)

ISA ang patay samantang isa naman ang sugatan sa insidente ng barilan sa Rodriguez, Rizal bandang 4:30 ng hapon ng Sabado, sa Mt. Isarog St. Amithyville Subd. Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal

Kinilala ang mga biktima na sina Joshua Navia, 14, isang construction worker at nakatira sa Phase 3 Motorpool Amithyville Subd. Rodriguez, Rizal at ang sugatan si Lloyd Santiago y Cunanan 24 anyos isa ring construction worker nakatira sa Mt. Samat St. Amytiville Subd. Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa inisyal na report ng Rodriguez Police kay Rizal Police Provincial Director S/SUPT. Lou Frias Evangelista , ang mga biktima ay nagtatrabaho bilang construction workers sa nasabing lugar nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at bigla na lamang bumunot ng hindi nalalamang kalibre ng baril at ipinutok ito sa unang biktima na nag resulta sa agarang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang suspek patungong T. Reyes St. Dala ang baril na ginamit. kasalukuyan pang iniimbestigahan ng taga SOCO ang lugar kung saan nangyari ang krimen.

 

 

 

Related posts

Leave a Comment