USAPANG RESPONSABLENG GUN OWNER

PANALO KA

NAKATUTUWA ang dumaraming kababayan natin na nakakahiligan ang practical shooting bilang isang professional sports. Sa kabilang banda, nakapangingilabot na malaman na mala­king porsiyento sa bilang ng mga naiuulat, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), na sanhi ng krimeng patayan ay may kaugnayan sa baril.

Sa practical shooting muna tayo. Ako man ay nakakahiligan na ang pagsali sa mga shooting competition ilang taon na ang nakararaan.

Nitong mga nakaraang linggo lamang, aking napag-alaman na may mahigit 200 na re­histradong gun clubs na sa ating bansa. Dumarami na rin ang mga rehistradong guns and ammunition dealers sa ating bansa. Ikinagagalak kong maging isang miyembro ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) na nasa ilalim ng pamumuno ni Edwin Lim. Of course, sa tulong ng PPSA Media Bureau chief na si Raoul Esperas, reporter-broadcaster ng DWIZ radio station.

Ang isa pang malaki at respetadong grupo ng shooters ay ang Philippine Shooters and Match Officers Confederation (PSMOC) na pinamumunuan ngayon ni Teng Mangudadatu.

Hindi uusbong ang practical shooting sa ating bansa kung walang pahintulot ng Firearms and Explosives Office (FEO) na nasa pamumuno ngayon ni Police Brig. Gen. Val de Leon. Napakasigla ang ibinibigay niyang suporta para sa kanila kasabay ng pag-usbong ng industriya ng guns and ammunition dealers sa ating bansa na sa ngayon ay nasa pa­ngunguna pa rin ng Arms­cor Philippines at ang Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD).

Sa gitna ng mga positibong balita hinggil sa practical shooting, nakapangingilabot na malaking por-siyento sa datos ng krimeng patayan sa ating bansa ay may kaugnayan sa baril. Hindi maipagkakaila na halos nasa 1M pa rin, ayon sa aking source sa PNP, ang bilang ng mga tinatawag na “loose firearms” na nagkalat sa ating bansa. Kadalasan, ang mga di rehistrado at di lisensyadong baril na ito ang sangkot sa krimen. Ang pagbawi sa mga iligal na baril na ito ang sakit sa ulo pa rin ng PNP.

Pero kahit papaano, dumarami na rin ang bilang ng mga nagkukusa na ipa­rehistro at mapalisensyahan ang kanilang mga hawak na baril na ikinagalak ng pamunuan ng FEO.

Mahalagang tip lang po, ang pagkakaroon at paghahawak ng baril sa ating bansa ay hindi isang karapatan, ito’y isang prebilehiyo. Alinsunod ito sa Republic Act 10591 at ang Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) nito. Isa pa, kailangan magka-License To Own and Possess Firearm (LTOPF) ka muna bago ka makabili at maiparehistro at mapalisensyahan mo ito. Ang LTOPF 2 taon ang validity, ang gun registration/license naman ay 4 na taon. Sa RIRR, kapag napaso ang LTOPF mo, otomatik paso na rin ang gun registration/license mo. Kung kaya kailangan mong i-renew agad ang LTOPF mo para ma-restore ang natitira pang 2 taon na validity ng gun registration/license mo.

‘Yan po ang nasa batas kaya sa mga responsible gun owner, susunod at susunod kung ano ang panun-tunan. Hindi yung hahanap ng dahilan makalusot lamang, ito ang mga taong dapat tanggalan ng pre-bilehiyo to own and possess firearm.

Kailangan na rin talaga ng FEO, sa tulong at suporta ng gun industry, na pasiglahin pa ang infor-mation/dessimination hinggil sa responsible gun ownerahip.  (PANALO KA! /FLORANTE SOLMERIN)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment