TINULDUKAN NA NG KASAYSAYAN ANG IKA-17 KONGRESO

RESPONDE.jpg

SA pagsuri natin ng kanyang performance, masasabi natin na matagumpay na naisulong ng administrasyong Duterte ang kanyang mga prioridad na mga panukala, at ito ay dahil na rin sa magandang pagkakahawak ng liderato ng parehong Kamara.

Saludo tayo sa epektibong collaboration ng ehekutibo at ang pangasiwaan ni Senate President Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo para maisabatas ang mga matatawag natin na landmark legislation tulad ng Free College Education Law, Bangsamoro Organic Act, National ID System, Universal Health Care Act, at ang Magna Carta for the Poor.

Itong mga bagong batas na ito ay masasabi natin na matagumpay na pagtaguyod sa kapakanan ng mga mamamayan, at ito ang mga klase ng batas na alam natin na talagang magtutulak sa a­ting bayan upang maging mas asensado.

Kaya naman din ipinakita ng taumbayan ang kanilang buong suporta sa administrasyong Duterte nitong nakaraang eleksyon. Ipinadama ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan sa balota na nais pa nilang bigyan ng pagkakataon ang kasalukuyang gob­yerno na ipursige ang mga natitira pang legislative agenda ng Pangulo.

Marami ang na-accomplish ng 17th Congress. At ito ay sa kabila rin ng mga kaakibat na mga problema tulad nung na-delay ang pagpasa ng national budget. Pero nakita at nadama natin na inalalayan talaga ng Kongreso ang mga nais na maipatupad ni PRRD, at dahil dyan, tayo po ay nagpapasalamat sa lahat ng mambabatas na naging katuwang ng bayan.

At para sa papasok na mga bagong mambabatas, nawa’y gabayan po kayo ng maykapal na ituloy po ang pagsulong para sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas.

Andito kaming mga mamamayan na magmamasid, susuri, susuyod at susugod sa inyo para sa aming kapakanan.

Sulong Pilipinas! (RESPONDE ORA MISMO /KUYA JOE)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment