THE MARIKINA EXPERIENCE

GO FOR GOLD

MAAARI ko bang ibahagi sa inyo kung papaano naging modelo ang Marikina ng urban redevelopment?

Noong unang pag-upo nila Mayor Bayani Fernando at Vice Mayor Del de Guzman nung 1992, ang bigat ng problema ng Marikina. Napaka-backward. Kulelat kumpara sa ibang bayan ng Metro Manila.

Matindi ang trapik – sa bungad pa lang sa Barangka mula Katipunan Avenue hanggang tulay sa bayan, gapang na ang mga sasakyan. Kawawa ang mga pauwing Marikenyo na pagod galing sa trabaho sa labas. Mas lalo pang kawawa ang mga nagtataksi kasi tinatanggihan ng mga taxi driver.

Ang sikip ng mga kalsada – nasabi nga dati ni BF na para mapaganda mo ang Marikina, kailangang sunugin ang poblacion o bayan.

Ang daming sidewalk vendors – sakop pati ang kalsada. Ang dumi ng palengke, kulay itim ang burak sa kalye. Chaotic ang paligid.

Madumi at makalat – parang ibang bayan din ng Metro Manila dati ang Marikina.

Tambak ang basura sa mga lansangan at problema ang koleksyon ng basura.

Madalas ang baha – konting ulan lang, baha agad. Paano… ang ilog Marikina ay pinakipot ng bahay ng mga squatter sa magkabilang pampang mula Calumpang hanggang Malanday.

Lahat ito nagbago nang maluklok sa puwesto sino BF at Del.

Common vision. U­nang-una dinefine nila ang vision para sa Marikina. Dinala pa ang lahat ng opisyal at empleyado ng munisipyo at barangay sa Olongapo-SBMA para makita ng lahat ang hinahangaan at hinahangad na abutin na estado. Nang sa ganun, iisa ang point of reference ng lahat. Nagkakaintindihan pag sinabi na malinis – kasing linis ng SBMA ang ibig sabihin nun.

Disiplina sa bangketa. Pinutulan din agad ng sungay ang pagmamalabis ng tao sa pamamagitan ng pagpapaintindi sa kanila na ang sidewalk ay “beyond the commerce of man” at hindi natin pag-aari. Kumbaga, pag hakbang mo sa labas ng iyong bakuran… kailangan ma­tuto ka nang makisama sa kapwa.

Road friction. Tinanggal din ang lahat ng nakakasagabal sa mga sasakyan sa kalsada … pedestrian, vendors, humps, atbp. Bawal ang humps sa Marikina.

Bagong access roads. Nagbukas ng mga bagong lagusan papasok at palabas ng Marikina tulad ng sa Tumana-Balara, Batasan-San Mateo, Tua­zon-Marcos Highway, atbp. para mabawasan ang congestion ng traffic at lumuwag ang daloy ng sasakyan.

Market zone. Imbes na magtayo ng bagong public market ang Marikina, dinesignate na lang na market zone ang mga nakapaligid na komunidad sa existing na palengke sa Santa Elena. Hinikayat ang mga residente doon na ipaupa ang mga silong ng bahay nila sa mga vendors na nadisplace dahil sa Operation

Disiplina sa Bangketa at gamitin ang kinita nila para lumipat at manirahan sa mga malapit na subdibisyon. Lini­sin at pinanatiling malinis ang market zone. Ika nga ni Planning Officer Jun Aguilar, ang Marikina lang ang may wet market na dry.

Relocation of squatters within Marikina. Tinanggal ang lahat ng mga illegal settler sa tabing ilog at ibang pribadong lote at linipat sila sa ­settlement areas within Marikina rin para walang displacement.

Regular collection of garbage. Ginawang regular ang koleksyon ng basura at naglagay ng mga pe­nalty para magkadisip­lina ang tao sa paglabas ng basura nila sa tamang araw at oras.

Note: Ang kolumnista ang head ng think tank nung unang term nila Fernando-De Guzman at Chief-PIO ng Marikina nung 1993-95 at 2010-16. (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment