TAMA NA, SOBRA NA!

BOMBAHAN NA FINAL

TAMA ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang paggamit sa Smartma­tic sa 2022 presidential election.

Iniutos ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections (Comelec) na maghanap sila ng bagong supplier ng Voting Counting Machine (VCM) na “free of fraud”.

Iisa lang ibig sabihin ni Pangulong Duterte wala na siyang tiwala sa Smartmatic.

Ang problema lang humirit pa itong si Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez na wala daw legal para hindi pa­yagan na sumali uli sa bidding ang Smartmatic.

Wow ha!

“Ang tigas pala talaga ng ulo ni Jimenez sir, magkano po pa ba ang kinikita niya sa Smartmatic?”, pahayag ni Mang Tonyong Barbero isa sa mga silipero ng BOMBAHAN Na.

“Nagsalita na po sir ang Pangulong Duterte laban sa Smartmatic tapos si Jimenez ayaw niya pa ata paalisin ang Smartmatic, anung mayroon po?”, pagtatanong pa ni Mang Mario a.k.a Kalkalero ng LTO.

May tama sina Mang Tonyo at Mang Mario sa kanilang mga sinasabi.

Sapat na at kumita na ng bilyong piso ang kompanyang Smartmatic sa mga Pilipino sa nakalipas na tatlong eleksyon na nagamit ang kanilang mga makina.

Nagsimulang na­gamit ang Vote Counting Machine (VCM) ng Smartmatic noong 2012, 2016 at ngayong katatapos na 2019 midterm election.

Baka gusto pa ni Director Jimenez ng Comelec na makalkal kung sinadya o hindi ang mga aberya ng VCMs ng Smartmatic.

Maraming Pinoy na ang nagngingitngit sa galit laban sa Smartmatic dahil sa mga kapalpakan nito.

Hindi rin kuntento ang mga Pinoy sa paliwanag ng Smartmatic at Comelec sa tuwing nagkakaaberya ang mga makina nito.

Partikular ang naitalang unauthorized access na ginawang nitong si Marlon Garcia, isa sa mga opisyal ng Smartmatic noong nakaraang 2016 election.

Matapos ang pakikialam ni Garcia sa makina ng Smartmatic ay nagsimulang mag-iba na ang bilangan.

Biglang lumamang na sa bilangan itong si Leni Robredo laban kay dating Sen. Bongbong Marcos.

Ito ang dahilan ng pagpoprotesta ng kampo ni Marcos dahil naniniwala silang may naganap na dayaan noong 2016 election.

Nitong nakalipas namang midtern 2019 election, marami rin ang tumaas ang kilay sa mga silipero ng BOMBAHAN NA dahil halos pitong oras natigil ang tranmission mula sa lokal patungo sa national canvassing.

Sa kabila ng mga pagdududang ito ay ayaw pa rin pakawalan ng Comelec ang Smartmatic kahit sinabi na ni Pangulong Duterte, anong mayroon direk?

Alalahanin nyo ang mga boto ng lahi ni Juan Dela Cruz ay sagrado dahil tuwing eleksyon lang nagkakapantay-pantay ang mahihirap at mayayaman.

At karapatan nilang pumili kung sino ang kanilang ibobotong kandidato, tapos hindi sila kuntento sa resulta ng eleksyon?

Nauna nang may nagsumbong sa BOMBAHAN NA na may nagaganap na bentahan ng ‘political position’ sa Comelec.

Milyong piso ang pinag-uusapang presyo kapalit ng mga ‘political position for sale’.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mayor, kongresista, vice governor, governor at maging vice president.

Kaya dapat maipaliwanag ng mga opisyal ng Comelec at Smartmatic yan.

“Kaya tama na ‘wag na tayong magpaloko pa uli sa kanila,” giit pa nina Mang Mario.

Sabi pa ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Sen. Bongbong Marcos, “Itigil na at ibasura ang problematic na Smartmatic”.

“How much do you love, Smartmatic?,” pagtatanong pa niya sa Comelec.

Abangan na lang natin kung anong kalalabasan ng isinagawang pagdinig ng Senado sa katatapos na midterm election.

Sana may managot kung may mapatutunayang nagkasala.

oOo

Pasabugin ang katiwalian isumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment