SOBRANG POLITIKA NAKASASAMA

BOMBAHAN NA FINAL

SA halip na sumulong ang Pilipinas ay mabagal ang pag-angat ng bansa natin.

Tulad na lamang po ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Kesyo may mga nagsasabi na failure ang kampanyang ito ng gobyerno.

Sa tingin n’yo kundi si Pangulong Duterte ang naluklok sa Malakanyang ay nabawasan ang holdaper, hablutan ng cellphone, alahas sa jeep, masaker sa mga inosenting tao?

Na ang mga gumagawa ay lango sa ipinagbabawal na droga.

Hindi pa man siya nakauupo sa Palasyo ng Malakanyang ay marami na ang sumukong mga sangkot ng ilegal na droga.

Kitang-kita po natin sa tuwing umuuwi ang inyong lingkod ng hatinggabi mula sa pahayagan na dati kong pinagtatrabahuan ay harap-harapan nating nakikita na may nabibiktima ng hablutan ng cellphone at alahas.

Tuwing sasapit naman ang “ber months” kaliwa’t kanang holdapan ang nangyayari na ang biktima ay mga taxi driver at call center agents.

Sa ayaw at sa gusto n’yo, ngayon ay bihira na po kayong makarinig ng mga ganitong pangyaya-ri.

Ibig sabihin po nabawasan ang salot sa lipunan na mga lango sa ilegal na droga.

Hindi man totally nawala ang ilegal na droga sa bansa pero malaki ang nabawas nito.

Simple lang po wala na pong nadidiskubreng shabu laboratory hindi katulad ng dati na kaliwa’t kanang may nababalitaan tayong may niri-raid.

Sabi nga ni Sen. Bato Dela Rosa, hindi perpekto ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon pa sa dating PNP chief, hindi biro ang ginagawa ng mga awtoridad sa paglaban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Pero nakatitiyak ang senador na malaki ang nagawa nila para mabawasan ang mga nasa likod nito.

Inihalimbawa pa ni Sen. Bato na maging ang mauunlad na bansa tulad ng Amerika, Columbia, Mexico at marami pang iba ay hindi perpekto ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Naniniwala po ang BOMBAHAN NA sa sinasabi ni Sen. Bato dahil ang makagagawa lamang ng perpektong gawain ay ang Pangulong Diyos lamang po.

Mas makabubuti po kesa batikusin n’yo ang gobyerno sa paglaban sa salot na ilegal na droga ay tumulong na lang po kayo.

Para sa atin lahat po ito.

Mahirap labanan ang hindi matinong pag-iisip tulad ng mga lango sa shabu.

May suhestiyon lang po sa gobyerno ang BOMBAHAN NA unahin po ‘yung pinagmumulan ng ilegal na droga tulad ng mga financier, drug lord at protektor.

Pag binarahan n’yo po ang tubig ay wala nang dadaloy sa ibaba na ang sumasahod ay ang mga ordinaryong mamamayan.Sabi nga ni Sen. Bato, kung hindi makatutulong si Vice President Leni Robredo sa kampanya, tama lang na tinanggal siya ni Pangulong Duterte bilang anti-drugs czar.

Hindi maaaring walang mamatay ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Hindi normal ang pag-iisip ng isang tao na bangag sa ilegal na droga.

Kailangan din sa mga paaralan ay palakasin ang kampanya laban sa ilegal para malaman nila ang masamang dulot nito sa tao.

Sa mga politiko naman, ‘wag n’yo politikahin ang isyu ng kampanya ng gobyerno sa ilegal na droga.

Tumulong na lang kayo kung paano ito malulutas nang parepareho tayong nakatutulog ng mahimbing.

oOo

Pasabugin ang katiwalian mag-email sa joel2amongo@yahoo.com/operarioj45@gmail.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment