SINO ANG SOURCES MO?

PINOY ABROAD

SA buhay na ito, marami tayong needs o pangangailangan tulad ng pagkain, bahay, damit, pera, kapayapaan, kalayaan, pahinga, karunungan at marami pang iba!

Tanong, sino ang source mo?

May mga nagsasabing mapalad ang mga may magulang o nagmula sa angkan na mayaman o nakaririwasa sa buhay. Ang iba naman ay magaling dumiskarte kaya nagagawang tugunan ang kanilang pangangailangan, anoman ito.

Sa panahon ngayon, tila baga ‘survival of the fittest’ ang labanan.

Dahil nga sa needs or to the extent, dahil sa greediness. Dahil sa kulang ang resources o sadyang walang sources marami ang nakagagawa ng hindi tama.

Maging sa mga politiko, kailangan na nakadikit sila sa pinagmumulan ng resources at para mangyari ito, yun iba nagagawang ‘ibenta’ ang kanilang karangalan manatili lang sa poder at nakaugnay sa sources.

Alam ba ninyo na may tunay na pinagmumulan ng resources o sources na walang pagkaubos at sagana? Ito ay ang Diyos na buhay na pinagmumulan ng lahat ng bagay, anoman ito!

Dapat siya ang ating lapitan at pagtiwalaan sapagkat siya ang lumikha ng langit at lupa. He can provide!

Sinasabi sa Philippians 4:19, ”And my God will supply all your needs according to His riches in glory in Christ Jesus.”

Si Mateo ay nangaral din ng ganito, (Matthew 6:26), “Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kung ang mga ibon ay nabubuhay sa biyayang kaloob ng langit, gayundin tayo.

Ipagpatuloy natin ang isinasaad naman sa Matthew 6:31-33, “Kaya’t huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. (32) Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. (33) Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][b] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibib-igay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Alam ng ating Amang nasa langit ang ating mga pangangailangan. Ang mga pagsubok at pagdurusang ating pinagdaraanan.

Lumapit ka lang sa kanya at magtiwala. Sigurado ako na bibiyayaan ka niya nang lubos. Siya ang true sources of everything. Wala nang iba pang pagmumulan ng biyaya, kapayapaan at ano pa mang bagay na maaari nating maisip sa buhay na ito.

Sa kanya lang umasa o lumapit. When we have God in our lives, He will take care of all our needs because He is our provider. He is the source of life and He sustains it. Sources of all sources and resources! (givalencia777@gmail.com) (PINOY ABROAD / GUILLER MVALEMCIA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment