SABUNGERO SI DPWH OFFICIAL

PASABOG

MATINDI itong isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sapagkat tila manhid na ito. Kumbaga, walang takot kay Secretary Mark villar at kay tatay Digong.

Ito ay dahil sa kabila na ipinagbabawal sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan ang pagsusugal sa ilalim ng civil service Law at sa iba pang batas na umiiral sa bansa, tila walang paki itong si DPWH official. Tuloy pa rin siya sa pagsasabong kahit itaya pa ang kanyang trabaho, basta’t masunod lamang ang kanyang layaw. Laki sa layaw itong si mokong! Ngeek!

Ganito ang style ni mokong, kahit may pasok sa opisina, nakukuha nitong pumunta sa sabungan. Hindi kasi niya maaaring palampasin ang kanyang vice, hindi vice mayor ito readers kundi bisyo.

Hindi raw talaga mabitiwan nitong opisyal na ito ang pagsasabong kahit pa siguro ipagpalit ang kanyang asawa gagawin niya, dahil adik na ito sa sabong.

Ito pa Secretary villar, ituturo ko na sayo kasi tila natutulog kayo nang mahimbing kaya napababayaan mo itong si mokong. Para makasigu­ro kayo na hindi ito fake news, kapag may sabong sa “Roligon” (sa Pasay po ito sa mga hindi nakakaa­lam), parating present itong si mokong at ayon sa aking sniper, kahit walang pera gumagawa ito ng pa­raan masunod lamang ang kanyang layaw.

Dahil sa pagkalulong sa sabong ni mokong, kadalasan ay palpak ang kanyang trabaho kaya minsan ay nagrereklamo ang mga DPWH stakeholder ngunit hindi ito nakararating kay Villar sapagkat tila protektado ng isang ‘galunggong’ na opisyal.

Oh my God, patawarin mo itong si mokong dahil tila nalilihis ng tamang daan.

Ito ang matindi, gina­gamit daw ni mokong ang pera ng taumbayan sa kanyang bisyo.

Palibhasa’y may hawak na pera kaya inuutang niya muna at kapag nanalo ay saka babayaran ang nalustay na pera ng gob­yerno.

Clue? Hayaan muna natin mag-isip ang mga taga-DPWH kung sino si mokong. Gawin natin ang tinatawag na “Killing me Softly” para mahimasmasan, kumbaga bibigyan natin ng pagkakataon na magbago pero kung hindi ay unti-unti natin ipada­dama kay mokong ang lupit ni Pasabog. (PASABOG /FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment