SABLAY ANG IBINIDA NI PRES. DUTERTE NA SIYA NAGPA-AMBUSH KAY LOOT

CHRISTIAN BOMB

SA harap ng mga bagong appointed na mga opisyal ng pamahalaan sa Malacañang ay ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos na ipa-ambush si ret. Police General at dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

“Loot, p…..mo, nanalo pa na mayor, inambush kita, animal ka, buhay pa rin.” Iyan ang kumpletong statement ni Pangulong Duterte patungkol kay Loot.

Si Loot, noong May 2018, kasama ang kanyang pamilya ay tinambangan ng mga hindi kilalang lalaki sa Daanbantayan, Cebu. Sa ambush na ito, nasugatan si Loot at tatlo niyang kasamahan.

Ang paniniwala noon ni Loot ay mga kalaban niya sa pulitika sa bayan niya sa Daanbantayan ang nagpa-ambush sa kanya, pero dahil sa ibinidang ito ni Pangulong Duterte ay alam na ngayon ng da­ting police general turned politician kung sino ang nagpa-ambush sa kanya at sa kanyang pamilya.

Dahil sa ibinidang iyan ni Pangulong Duterte ay halos maturete sina Presidential spokesman Salvador Panelo at Sen. Bong Go sa pag-twist sa sinabi ng Presidente, na ayon kay Panelo ay Bisaya raw kasi ang Pangulo, na ang laman daw talaga ng sinabi nito ay “Loot, inambush ka na, buhay pa rin” at sa bahagi ni Sen. Go, ayon sa kanya ay nagbibiro lang daw ang Presidente.

Ang sinabi kasing ito ni Pangulong Duterte ay maaaring gamiting dag­dag-ebidensya sa kanya kaugnay sa kinakaharap niyang kaso sa International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa extrajudicial killings na nangyayari sa bansa.

Bukod diyan, maaa­ring ikagalit din ng mga opisyal at miyembro ng AGFO (Association of Generals and Flag Offi­cers) ang ibinidang ito ni Pangulong Duterte, dahil si Loot ay dating heneral na miyembro ng AGFO.

Sa totoo lang, kaya todo-pagtatanggol sina Panelo at Sen. Go tungkol sa isyung ito ay dahil alam nila na malaking sablay ang ibinida ng Pangulo na siya ang nagpa-ambush kay Loot at sa pamilya nito.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief, Director Ge­neral Oscar Albayalde…Sa Tarlac at Angeles City, nagkalat na raw ang mga illegal gambling na color games, hi-lo at drop balls ni alyas “Ricky”…sa Quezon City ay parang legal na raw ang pasakla nina “Amang” at “Willy.” (CHRISTIAN’S BOMB/ CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment