RODRIGO NG PAGBABAGO (RP)

BOMBAHAN NA FINAL

TALAGANG nakatadhana si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte na maging Pangulo ng Pilipinas.

Bago pa man ang May 9, 2016 presidential election ay wala sa isip ni Mayor Duterte na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Simpleng alkalde ng Davao City at tatay ng kanyang apat na mga anak si Duterte.

Kuntento na siya sa kanyang buhay sa Davao City, pero dahil tadhana niya mismo at taumba­yan na ang nanghikayat sa kanya na sumabak sa pangpanguluhang halalan noong taong 2016 ay umayon na rin siya.

Naging katunggali niya si Mar Roxas ng Liberal Party, Grace Poe ng Independent, Miriam Defensor Santiago at Jejomar Binay.

Si Duterte ay nakakuha ng botong 15,970,018 o 38.6%; Roxas, 9,700,382 o 23.4 %; Grace Poe, 8,935,733 o 21.6%; Jejomar Binay, 5,318,249 o 12.9% at Miriam Defensor Santiago, 1,424,520 o 3.4%.

Ika nga ng nakararami, naghahanap talaga ang taumbayan nang mga panahon na yun ng kandidatong makapagdadala ng tunay na pagbabago sa kalakaran sa bansa.

Kasama sa plataporma ni Mayor Duterte ang paglaban sa iligal na droga at korapsyon sa bansa.

Kampanyahan pa lang, sinasabi na niya na maghanda ang nasa likod ng iligal droga at makatitikim sila ng bangis ng hagupit niya pag nanalo siyang pangulo.

Maging ang mga korap na nasa gobyerno.

Sa unang isang daang araw na pag-upo ni Mayor Duterte sa Malakanyang ay hindi madali ang kanyang panunungkulan.

Nariyan na ang kaliwa’t kanang batikos mula sa lokal at international community dahil sa madugo raw na kampanya laban sa iligal na droga.

Hindi natakot ang tinaguriang Tatay Digong ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa human rights at internatio­nal communtiy sa kanyang pananalita maging relihiyon man o media, bastat alam niyang tama siya, sasabihin niya.

Nabawasan ang pang-aabuso sa OFWs ng kanilang mga among da­yuhan. Nawala ang tanim bala sa airport, snatching at holdapan sa sasakyan at sa kalye na ang mga biktima ay ordinaryong mamamayan.

Nabulgar ang mga politikong protektor ng iligal na droga.

At ang pagpapatigil sa kontrobersiyal na grupo na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario na KAPA.

Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA, ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Duterte sa Malakanyang ay malalagpasan niya ang lahat ng mga naging presidente sa dami ng mga proyekto.

Maging sa mga tanggapan ng gobyerno ay nag-iba ang trato ng mga empleyado sa mga tao na may transaksyon sa kanila.

Yan ang sinasabing ‘follow the leader’, dahil si PRRD mismo ay nagsabi na kung ayaw ng mga empleyado ng gobyerno na maglingkod sa taumbayan ay umalis na lang sila sa gobyerno.

Kaya ngayon siya ang tinaguriang Rodrigo ng Pagbabago o RP.

Sabi pa ng ibang silipero ng BOMBAHAN NA, sana pagkatapos ng termino ni Pa­ngulong Duterte ay ang pumalit sa kanya ay katulad niyang may malasakit sa mga ordinaryong mamamayan.

God Bless Us!

Lahat po ng mga nabanggit sa BOMBAHAN NA ay maaari pong magbigay ng kanilang panig at ilalathala rin po natin.

oOo

Pasabugin ang mga katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA sa email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment