REKLAMO VS RIZAL HPG

KAAA BOOM

ANO itong nakarating sa atin na mga sumbong na ilan daw sa mga miyembro ng Philippine National Poice-Highway Patrol Group ay nagmimistulang mga holdaper ng lansangan. Naku po! anong nangyari?

Ang siste napakasipag daw ng HPG-Rizal na manghuli ng mga motorista na may mga delikwenteng rehistro o anumang paglabag sa batas ng trapiko which is tama naman ang kanilang ginagawa. Pero pero pero… kapag nakapanghuli raw ang mga ito, dito na raw nangyayari ang panghoholdap he he he he? Ano raw ‘yun holdapan… bwahaha.

Nakarating sa ­aking kaalaman na sa oras na wala kang maipakita na rehistro o paso na ang iyong registration imbes na ­tiketan ay dadalhin daw ng mga ito ang iyong sasakyan sa kanilang opisina sa hilltop, hala bakit? At malaking BAKIT?

Ganyan ang akin naging katanungan dahil may isang opisyal ng PNP traffic ang nakausap natin hinggil sa impound-impound. Aniya’y ang mga sasakyan na hinahatak o ini-impound lang ay ang mga sangkot sa banggaan lalo na kung may taong nasaktan o namatay habang iyong mga nahuhuling walang lisensya, expired license, expired registration, hindi daw kailangang i-impound at sa halip, tiketan lang. Ganun pala iyon? E bakit ini-impound ng HPG Rizal ang kanilang huli imbes na tiketan?

Sa oras daw na dinala ng HPG-Rizal ang sasakyan sa opisina ay dito na raw nangyayari ang holdapan? Paano? Tinatakot ang may-ari na kanilang i-impound ang kanilang saksakyan kasabay ng pananakot na mahal ang tubos ng na-impound na sasakyan – P11,000 daw. Wow! Kamahal naman! Bwahahaha.

Pero may natitirang kabaitan daw ang mga ­operatiba ng HPG-Rizal kasi sa oras na walang ganung kalaking pera ang kanilang hinuhuli ay may discount daw, pwede raw kalahati lang P6,000 pero walang resibo iyon ha!

Kung walang P6,000 o kalahati, puwede naman kung hanggang sa magkano lang ang kaya ng tinakot. Kung P3,000 higit ang laman ng bulsa ng hinuli para hindi na i-impound ang sasakyan, puwede na. He he he he, ayos walang resibo yun? Ang tanong, kaninong bulsa napunta ang ibinayad ng mga motorista sa HPG-Rizal, sa kaban ba ng bayan o sa kanilang bulsa?

Mahina ako sa kwentahan kaya nga mass communication ang aking kinuha pero susubukan kung kwentahin kung gaano kalaki ang naholholdap ng mga tauhan ng HPG-Rizal, kung totoo itong sumbong sa akin?

Kung P6,000 sa sampung motorista na kanilang ­i-impound, magkano ito?… P60,000 puctha ang laki ‘di ba? P60,000 times 20 days dahil nagpapahinga naman daw ang mga HPG-Rizal sa panghuhuli…he he he… pero kung ating susumahin ay nasa P1.2M ang kanilang magiging koleksyon kada buwan…Wow tiba-tiba ‘di ba?

Ayaw na ayaw ng aking Lolo Digong ‘yan mas lalo pa ang aking kuya na si Senator Bong Go… Alam kaya ito ng bagong upo na si  PNP-HPG chief, P/Brig. Gen. Dionardo Carlos? Magaling na pulis itong si Carlos mas lalo na nung siya pa ang spokesperson ng PNP. Kaya naman hindi ako magtataka kung agad na paiimbestigahan ng heneral ang ganitong gawain ng HPG-Rizal.

Ito pa ang siste, wala raw sinisino ang mga ito, basta holdap este huli-huli nila, walang pwedeng kumausap kahit mataas na tao o anumang katungkulan sa gobyerno, ganun ka-astig ang mga ito… Bwahaha, ganun? ‘Di kau na ang TIBA-TIBA!!!

‘Di ba General Carlos ang HPG, ang dapat na gawain nito ang hulihin ang mga karnaper o ang mga holdaper ng mga lansangan eh bakit tila kabaliktaran yata ang ginagawa ng HPG-Rizal…’di ba may TAMA AKO HENERAL? KILOS NA PO SIR! KABOOM… (KAAA…BOOM!! / Joel Gorospe)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment