POKPOK NG MGA INTSIK SA SUBIC

ANG TOTOO

MULA nang nag­lipana ang mga Intsik sa Subic dahil sa malawakang Online Gambling Operations dito, naglipana na rin ang mga “pokpok” na parausan ng mga ito.

Ito Ang Totoo: pala-palapag at meron pang buong hotel mismo ay ginagamit sa Online Gambling na ang mga em­pleyado ay pawang mga Intsik mula sa Tsina.

Meron pang dating eskuwelahan na ginawa nang sugalan at pati mga dapat opisina ay sugalan na, tirahan pa ng mga intsik na hindi matiyak kung lahat ay dokumentado.

Mga Pinoy na residente mismo ang lumapit sa atin upang mag­reklamo, kaya tiningnan natin at ang reklamo, nakita natin mismo na totoo.

Ito Ang Totoo: nakakaawa rin ang Pinay na gabi hanggang mada­ling araw ay lumalagare sa  lansangan, palipat-lipat sa mga Intsik na kung sa salita ay hindi magkaintindihan, pero sa senyasan ay nagkakaunawaan, medyo malaswa nga lang tingnan.

Hindi natin hinuhusgahan ang ating mga Pinay na kababayan pero may mali sa kanilang kinasasadlakan.

At ang mga intsik na empleyado ng dapat sana ay Pinoy ang nagtatrabaho, hindi natin alam kung ano-anong sakit ang dala, kung meron man, na maaaring kumalat sa ba­lat ng lupa ng ating bansa.

Ito Ang Totoo: ipinaabot na ito sa kaalaman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair & Administrator (ChAd) Atty. Wilma T. Eisma kaya siya ay nagtakda ng pakikipagpulong sa mga operator ng Online Gambling.

Ang pag-approve sa Online Gambling sa Subic ay inabutan na ni Chad Eisma mula sa nakalipas na administrayon kaya, aniya, nakatali ang kanyang mga kamay.

Pero ang ganitong mga sitwasyon ay pwede niyang pakialaman bilang kasalukuyang tagapamuno ng SBMA.

Sabi ni Chad Eisma, wala siyang sinasanto pagdating sa tama at mali. Sa bagay na ito, ang kanyang salita ay pwede niyang patunayan, o pabulaanan.

Kung ano ang kahihinatnan ng pakikipag-usap sa Online Gambling operators, aabangan natin. Ito Ang Totoo! (ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO JR.)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment