PAGPAPATIGIL NI DUTERTE NG RICE IMPORTATION, ‘FAKE NEWS’?

CHRISTIAN BOMB

NILINAW ni Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA) na hindi ihihinto ang pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ang sabi ni Dar ay nagkausap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at wala naman daw itong direktiba sa kanya na ihinto ang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa dahil maayos naman na naipatutupad ang batas.

Dahil diyan, lumalabas na fake news ang sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag na inutusan na niya si Dar na itigil na ang rice importation.

Ikinatuwa pa naman ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya ang sinabi ng Pangulo na ititigil na ang pag-aangkat ng bigas, tapos sa statement ni Dar ay wala naman daw utos sa kanya ang Presidente na itigil na ang rice importation.

Dapat linawin ng Malacanang ang tungkol sa isyung iyan, kasi kung peke ang sinabi ni Duterte ay hindi magandang tingnan na ang mismong Pangulo ng bansa ay nagsasabi sa publiko ng fake news.

oOo

TIMBRE: Pa­ging DILG Sec. Eduardo Año, sa Kayang St., Baguio City ay isang alyas “Nestor” daw ang may color games, beto-beto, hi-lo at drop balls. Pakisabihan si Mayor Benjamin Magalong na ipatigil ang mga illegal gambling sa kanyang nasasakupan. Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa, tuloy pa rin daw ang operasyon ng sakla ni alyas “Amang” at lotteng ni alyas “Pinong” sa jurisdiction ni Quezon City Police District director P/BGen. Col. Ronnie Montejo. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment