PAGKATAPOS NG TIGIL-PUTUKAN, SANA USAPANG-PANGKAPAYAPAAN NAMAN

CHRISTIAN BOMB

SA joint statement na nilagdaan sa Utrecht, Netherlands, nagkasundo ang gobyernong Duterte at National Democratic Front-Communist Party of the Philippines (NDF-CPP) na magpairal ng tigil-putukan sa panahon ng Kapaskuhan hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Magandang balita iyan para sa sambayanang Pilipino upang maging payapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa.

Ngayon may deklarasyong tigil-putukan ang pamahalaan at NDF-CPP, sana ang kasunod nito ay pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Natigil ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP dahil sa alegasyon na pagsalakay ng militar sa kampo ng mga New People’s Army (NPA), at sa alegasyon ng mga awtoridad na pananambang ng mga rebelde sa mga sundalo at pulis.

Dahil naniwala si Pres. Duterte sa ulat ng militar na nilalabag ng NDF-CPP ang napagkasunduang tigil-putukan ay kinansela ng Pangulo ang peace talks at inutusan ang tropa ng pamahalaan na lusubin ang mga kampo ng mga rebelde at dahil diyan nag-utos din si CPP Chairman Jose Ma. Sison sa NPA na magsagawa ng ambush sa mga sundalo at pulis.

Ngayong nagkasundo na uli ang gobyernong Duterte at NDF-CPP na magpairal ng tigil-putukan ngayon panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon, sana ay maging susi na iyan para ipagpatuloy na rin ang usapang pangkapayapaan.

Tutal, may alok na uli si Pres. Duterte na usapang pangkapayapaan, sana ay tanggapin na uli ito ng NDF-CPP.

Napakatagal na ang nangyayayaring “digmaan” ng Pilipino laban sa Pilipino sa kanayunan, kaya’t sana matuloy na uli ang peace talks alang-alang sa kapakanan ng bayan at mamamayan.

oOo

TIMBRE: Paging Bulacan PNP Director, Col. Emma Libunao, sa Meycauayan City ay tuloy pa rin daw ang operasyon ng pergalan o peryahang may sugalan ni “Lourdes Tomboy”…Paging Mayor Oscar Malapitan, sa Bagong Barrio, Caloocan City ay may pa-lotteng at bookies daw si “Dani Kamote.” (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment